FANDOM


Banaag: Isang Bagong Diksyunaryong FilipinoEdit

Nakarinig ka na ba ng isang salitang Filipino na hindi mo nauunawaan? Nakalulungkot isiping tayo mismong mga Pinoy ay hindi bihasa sa ating sariling dila. Ang ating wikang pambansa, bagaman araw-araw halos natin ginagamit, ay hindi lubusang naiintindihan, lalo na ng bagong henerasyon. Hindi dapat hayaang pumanaw at makalimutan ang ating mayaman at makulay na kultura.

Layon ng Banaag na makapagbigay ng isang diksyunaryong Filipino para sa mga mag-aaral na interisadong palawakin ang kanilang Talasalitaang Filipino. Noon ay napakahirap maghanap ng kahulugan ng maraming kataga sa ating wika. Ngunit ang Internet ay may potensyal na palawigin ang kaalaman natin at ipakalat ito sa nakararami.

Bukas Para Sa LahatEdit

Ang Banaag ay bukas para sa lahat. Malaya kang magdagdag ng mga salita, baguhin, at palawigin ang kanilang mga kahulugan ayon sa iyong nalalaman. Bilang isang malayang Wiki, magagamit ng Banaag ang kolektibong kaalaman ng maraming indibidwal na siyang bubuhay at magpapatakbo sa diwa at layunin nito. Malaki ang maitutulong ng iyong kontribusyon sa pamamagitan ng pagsusulat, pagpapatnugot, at pagkalat ng impormasyon.

Mga KaibiganEdit

Ang Wiki na ito ay parte ng Adventure Project, isang proyekto mula sa Romblon State University Science High School. Ang proyektong ito na sinimulan ng isang mag-aaral ay naglalayong makapaghatid ng isang mas konektado at mas epektibong karanasan sa pagkatuto para sa mga mag-aaral, guro, at iba pang may kinalaman sa nasabing paaralan. Maaaring bisitahin ang website tungkol dito sa http://rsushs.coffeecup.com/about.html

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki